Guro na po ako
Nais kong magbalik-tanaw sa panahong nagdaan.
Nang ako ako'y musmos pa at nasa paaralan.
Kulang sa gamit, salat sa karangyaan.
Marubdob na kasipagan ang tanging puhunan.
Ang bawat sandali ginugugol ko nang tama.
Nag-aaral nang mabuti, lahat nga ay ginagawa.
Lumilipas ang maghapon, masaya sa mga leksyon.
Nakatuon sa pangarap, na makamit lahat ng yon.
Nais ko ring gunitain kabutihang ibinigay.
Ng mga dakilang gurong sa akin nga ay gumabay.
Hindi ko malilimot mga aral na sa isip ko'y nakakintal.
Mananatiling yaman, dala dala ko habang buhay.
Hindi ko malilimot guro ko sa Ikalawang Baitang.
Consolacion Aceron ang kanyang pangalan.
Tandang tanda ko pa ang kaniyang tinuran.
Meden, balang araw isa kang gurong huwaran!
Tuwang tuwa ako sa kaniyang tinuran.
Bagama't di ko nais na maging guro sa paaralan.
Pakiramdam ko noon isa akong batang huwaran.
Ito'y nagsilbing hamon sa aking murang isipan.
Yaong ating guro ay pangalawang magulang.
Nagsisilbing tanglaw sa ating daraanan.
Ito ang nakintal sa king murang isipan.
Salita at utos nila'y sinusunod nang lubusan.
Nung panahong yaon nang aming kabataan.
Yaong aming guro'y totoong iginagalang.
Sa bawat sandali na kami'y nasa paaralan.
Buong pusong sumusunod, puno nang paggalang.
Hindi ko malilimot ang kaniyang mga kuwento.
At mga sandaling, inuutusan niya ako.
Buong puso, at may ngiti-lahat ay ginagawa ko.
Dahil batid ko ngang, siya ay GURO ko.
Pagkatha ng tula sa kanya ko natutunan.
Naging gawi ko ito sa aking kabataan.
Marami kong gawa noon, sa kanya ay inibigay.
At batid nyang sa puso ko pangalan niyay nakakintal.
Lubos na pagpapahalaga ang iniukol ko sa kanya.
Naipadama nya sa amin pagmamahal ng isang ina.
Bagamat di ko pinangarap maging guro tulad niya.
Kabutihang ipinunla, lagi kong isasagawa.
Sa paglipas ng maraming mga taon.
Di ko namalayan kung san ako naparoon.
At bagamat nasabi kong, ibang landas na tatahakin.
Ngayon ako ay narito...masayang GURO na rin.
Hindi ko na iisa-isahin ang mga pangyayari.
Tanging isa lang ang aking masasabi...
Masaya ang daigidig ko...maligaya ang buhay ko.
Dahil tulad ng Guro ko, mundo ko ay serbisyo!
Minsan ako, ikaw, tayo ay naging mag-aaral.
Masaya, malungkot. mahirap ang naging buhay.
Tinanggap ang hamon, lahat tayo ay nagsikhay.
Lahat tayo ay nagdaan sa mga gurong uliran.
Maraming salamat, sa akin ngang Madam.
Aking masasambit, bilang pagpupugay.
Sa kanyang katandaan, ipababatid ko.
Totoong malaki naging papel nya sa buhay ko!
Hindi matutumbasan ang kadakilaan.
Niyaong ating gurong naging kasangkapan.
Upang matamo natin tagumpay na inaasam.
At marating natin ang ating kinalalagyan.
Bilang isang guro, ngayon ay batid ko.
Kung wala nga sila ay wala rin tayo.
Madam, sana po ay masaya kayo...
Dahil ngayon, GURO na po ako!
***Kapag ako ay nagbabalik gunita, hindi nawawala ang ala-ala ng aking guro...
na sa aking murang isipan, ay naramdaman ko ang kahulugan ng pagkalinga,
at pagmamahal...pagbahagi (sharing) ng kung ano meron sya...at higit sa
lahat ang kahalagahan ng *papuri (praise)...
***Nakita ko sa kanya ang paggalang nga mga mag-aaral...at pagmamahal!
whew! a bit nostalgic...coz it was 38 years ago! :)))
Comments